Advertisers

Advertisers

‘Lakad Magkaibigan’ friendship walk, tagumpay

0 9

Advertisers

TAGUMPAY ang naging pagpapakita ng tunay na pagkakaibigan sa pagitan ng bansang China at Pilipinas matapos na libo-libong mga Pinoy at Fil-Chinese ang sama-samang naglakad mula Plaza Ruiz, Binondo via Filipino-Chinese Friendship Bridge patungo sa Kartilya ng Katipunan sa isang pagtitipon na tinawag na “Lakad Magkaibigan” Friendship Walk.

Ang nasabing ‘friendship walk’ ay kaugnay din ng paggunita ng ika-126 na taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Nagsimulang maglakad ang libo-libong Fil- Chinese at Filipino ganap na alas-5 ng umaga noong June 9, 2024 at inorganisa ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated (FFCCCII) sa pamamagitan din ng tanggapan ni City Administration Bernie Ang.



Ang ‘friendship walk’ ay pinangunahan ni Vice Mayor Yul Servo bilang kinatawan ni Mayor Honey Lacuna, FFCCCII president Cecilio Pedro, dating Senador Gringo Honasan, Chinese Ambassador Huang Xilian, Manila Chinatown Council Director Willord Chua at Philippine China Chamber of Commerce and Industry, Inc. past president Joey Go ng Hi-Top Supermarket.

Sa kanyang pahayag sinabi ni Yul na isang tesmento ng matatag na pagkakaibigan ng bansang China at Pilipinas ang ginanap na ‘friendship walk’.

Glad to join a friendship walk “Lakad Magkaibigan” this morning.

My heartfelt respect goes to the FFCCCII and the Manila city government for their dedication and work to put together today’s event. It reflects the shared desire of both peoples to deepen mutual understanding and carry forward our millennium-old relations.

“Glad to join a friendship walk “Lakad Magkaibigan” this morning,” pahayag ni Chinese Ambassador Huang.



“My heartfelt respect goes to the FFCCCII and the Manila city government for their dedication and work to put together today’s event. It reflects the shared desire of both peoples to deepen mutual understanding and carry forward our millennium-old relations.” ayon pa sa embahador.

Makahulugan naman pahayag ni FFCCCII president Pedro ng Sabihin nya…” Kami Po ay Pilipino. Dito kami ipinanganak at Dito rin kami mamamatay.” (ANDI GARCIA)