Advertisers

Advertisers

Lay minister galing misa, todas sa pananambang

0 3

Advertisers

NASAWI ang isang lay minister nang barilin sa Sitio Purok Crossing, Barangay Cabungahan, Villaba, Leyte, Linggo ng hapon.

Kinilala ng Villaba Police ang biktima sa alyas “Marcing”, lay minister at municipal agriculture officer ng Villaba.

Sa ulat, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at pauwi na galing sa mga pagmimisa sa mga barangay ng Baga-bao at Mataloto sa Leyte nang tambangan ng hindi pa nakilalang salarin na gumamit ng kalibre .45 baril.



Nagresulta ito sa agarang pagkamatay ng biktima.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin at tinangay pa ng mga ito ang itim na sling bag ng biktima na may lamang wallet, cellular phone at mga ostia.

Patuloy pang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pulisya laban sa mga salarin.

Umaapela rin ang pulisya sa mga residente sa lugar na makipagtulungan para mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa lay minister.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">