Advertisers

Advertisers

Manila Hawkers nilinis mga nakaharang na gamit ng vendors na nakaharang sa mga bangketa

0 31

Advertisers

TULOY-TULOY ang paglilinis at pagsasaayos at pagsasagawa ng mga tauhan ng Manila Hawkers sa pamumuno ni Rt. Col. Carlos Baltazar para maging maayos at organisado ang mga vendors sa TM Kalaw Ave., Gen. Luna, United Nation. Ave., Padre Faura at Pedro Gil, Ermita, Manila. Inalis at nilinis ang mga nakaharang na mga gamit ng vendors na nakaharang sa mga bangketang dinaraanan ng mga tao kung saan madalas na inirereklamo sa opisina ng Manila Hawkers at Office of the Mayor.

Alinsunod sa kautusan ni Mayor Honey Lacuna, kaya agad na iniayos ni Rt.Col Carlos Baltazar, hepe ng Manila HAWKERS at nailagay sa tamang lugar ang mga vendor na hindi nakasasagabal sa mga nagdaraang tao sa bangketa at hindi nakakaharang sa mga nagdaraang sasakyan na hindi pinagmumulan ng trapik at makikita ang resulta ng lugar matapos ang pagsasaayos sa mga vendors sa nasabing lugar. (BONG SON)