Advertisers
MULING inaresto ang sinipa na kinatawan ng Negros Oriental na si Arnolfo “Arnie” Teves Jr. nitong Lunes, Hunyo 11, ilang minuto lamang matapos palayain sa Timor Leste.
Isiniwalat ito ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Jose Dominic F. Clavano IV sa isang pahayag nitong Lunes.
“As an update, the Polícia Nacional of Timor-Leste (PNTL) has taken him into custody to continue to stand trial for his anticipated extradition,” ani Clavano.
“The Department is confident that the extradition proceedings will be successful. In addition, the former congressman may also still be deported depending on the direction taken by the Timor-Leste government in coordination with the Philippines,” dagdag niya.
Ipinaliwanag din ni Clavano na bahagi ng proseso sa Timor Leste ang naging pagpapalaya kay Teves at muling pag-aresto sa kaniya.
“Teves’ release and subsequent rearrest should not be taken as hindrance to the process but simply a part of it,” ani Clavano.
Ang pahayag na ito ng DOJ ay sagot sa inanunsyo ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na nakalabas sa kulungan mula sa “preventive detention” ang dating kongresista sa Becora Prison sa Dili, Timor-Leste Lunes ng hapon.
“Rep. Teves was released from preventive detention pending his extradition trial, my Timor Leste counterparts inform me, because the request for extradition by the Philippine government was made out of time and in a manner that is not sanctioned by practice and customary international law,” giit ni Topacio.
Samantala, iginiit ni Clavano na ang naturang pahayag ni Topacio ay “misleading,” “highly irresponsible,” at isang insulto raw sa Pilipinas at Timor Leste.
Marso 21 nang ihayag ng DOJ na naaresto si Teves ng mga awtoridad habang naglalaro ng golf.
Nahaharap si Teves sa iba’t ibang murder charges dahil sa pagkasangkot sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Kaugnay ng nangyari kay Teves, naglabas ng pahayag ang asawa ni Degamo na si Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo at sinabing ginamit lamang ng dating kongresista ang kaniyang “37 minutong” paglaya mula sa kulungan para linlangin ang publiko.
“Arnie Teves and his team used his minutes of freedom for a photo-op to attempt to mislead the public. Deceit, distraction and lies are the Devils tools,” ani Mayor Degamo.
Matatandaan Marso 4, 2023 nang masawi si Degamo kasama ang walo pang sibilyang nadamay, matapos silang pagbabarilin ng armadong grupo sa harap ng bahay nito sa lungsod ng Pamplona.
Naaresto ang mga salarin at ikinanta ang utak ng masaker, si Teves.