Advertisers

Advertisers

Resort owner sa Batangas kinatay ng dating trabahador

0 312

Advertisers

NALILIGO sa kanyang sariling dugo at walang buhay nang matagpuan ng kanyang anak ang inang negosyante at may-ari ng Maranan Resorts, na pinagnakawan umano bago pinaslang ng dati nitong tauhan Lunes ng umaga sa Sitio Gintuan, Barangay Durongao, Bauan, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Carmen Maranan, 73 anyos, ng Sitio Gintuan; habang patuloy na pinaghahanap ang suspek na si Roland Mauro, nasa hustong gulang, dating nagtrabaho sa resort ng biktima.

Base sa report ni Bauan Municipal Police Station Chief, Lieutenant Colonel Nestor Cusi; kay Batangas Police Provincial Director , Colonel Jacinto Malinao Jr.; may sugat sa ulo ang biktima, palatandaan na hinampas ng flower base at nadatnan din na magulo ang loob ng bahay at nakabukas ang bag ng biktima na pinaglalagyan ng mga kinita sa kanlang mga negosyo at nawawala ang ‘di pa tukoy na halaga ng pera.



Nakita sa CCTV footage ang pagpasok ng suspek na nakatalukbong sa loob ng bahay ng biktima nung gabi nang mangyari ang krimen, at ipinagtataka ng pamilya na nag-text ang cellphone ng biktima sa kanyang anak at tinatanong ang kumbinasyon ng kanilang vault.

Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek. (KOI LAURA)