Advertisers

Advertisers

Barangay official tinira ang ayuda sa DSWD ng buntis, habol ni Sec. Gatchalian

0 7

Advertisers

ISANG barangay official sa Davao region ang nahaharap sa kasong umano’y pagbawas ng P8,500 mula sa P10,000 cash assistance sa isang buntis na ina.

Inatasan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian si Vanessa Goc-ong, ang regional director ng DSWD, na tulungan sa pag-ayos ng mga dokumento na kailangan para sa pagsasampa ng reklamong kriminal ar administratibo laban sa barangay official na hindi muna pinangalanan.

Sinabi ni Gatchalian na ang mga benepisyaryo ng DSWD cash assistance programs ay dapat isinusumbong ang mga opisyal na nagsasamantala sa kanila.



Ayon sa ulat, noong Hunyo 6, ang beneficiary ay nakatanggap ng P10,000 cash sa payout ng DSWD sa mga indibidwal na nasa crisis situations.

Sinabihan umano ng barangay official ang buntis na i-“remit” sa barangay ang kanyang P10,000 cash assistance.

Sinabi ng buntis na pumunta siya sa barangay kungsaan kinuha ng barangay official ang P8,500 mula sa kanyang pera.

Sa viral video, tinuligsa ng buntis ang barangay official sa pagkuha sa kanyang pera.

“As soon as we saw the victim complaining online, we sent our social workers to her. The social workers were able to verify her complaint about the original P10,000 cash aid that was reduced to P1,500 after it was allegedly ‘remitted’ to the barangay,” sabi ni Gatchalian.

Sinabi ng kalihim na ang tanggapan ng DSWD-Davao ay dapat maging co-complainant sa reklamo na isasampa laban sa naturang opisyal ng barangay.



“Let this be a warning to all. (The) DSWD cash grants are for the beneficiaries only. Nobody, not even government officials, should take part of this cash aid,” diin ng DSWD chief.(Boy Celario)