Advertisers

Advertisers

Yorme Isko: We will make Manila great again; Congrats, Comm. Nepomuceno! (Part 1)

0 35

Advertisers

Isang mainit na pagbati, congrats po kay Sir Ariel Nepomuceno, dating Office of Civil Defense (OCD) Administrator na itinalaga ni Presudent Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) na bagong Bureau of Customs (BoC) Commissioner, kasunod ng pagtanggap sa inihaing courtesy resignation ni dating komisyoner Bienvenido Rubio.

Dating Executive Director ng National Disaster and Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) si Comm. Nepomuceno kaya buong-buo ang tiwala sa kanya ni PBBM na magagampanan ang pangunahing pananagutan niya, ito ay border protection ng ating bansa, at mapatakbo nang maayos ang kalakalang kaugnay ng exportasyon at importasyon, sa ilalim ng Department of Finance (DoF).

Isa pang pananagutan ng BoC ay ang pagkolekta ng tama at maayos na buwis at paglaban at pagsugpo sa ismagling.

Sinugurado ni Nepomuceno na agad-agad niyang ipatutupad ang mga utos ng Pangulo na palakasin ang koleksyon sa Aduana, magpatupad ng programa sa maayos na transaksyon sa BoC at sugpuin ang korapsyon at magpataw ng disiplina sa lahat ng opisyal at tauhan ng ahensya.

Kudos, at mabuhay pi kay, Commissioner Nepomuceno at hangad naming ang tagumpay sa bago nyong tungkulin, muli, congratulations, Sir Ariel.
***
Hindi biro ang malaking problemang kailangang harapin at iresolba ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na inihayag niya sa unang pagharap niya sa Manila City Council session hall.

Mataimtim, buo ang loob niya na sinabi: “Hindi lang po slogan ang Make Manila Great Again. Isa po itong pangarap at platform of government.”

Bago humarap sa Konseho sa pangunguna ni Vice Mayor Chi Atienza, magdamagan sa mahigit 24 oras na koleksyon ng basura, naglinis sa mga bangketa, mga sulok-sulok ng Maynila, na iniwang mabantot, dugyot ng nakaraang administrasyon.

Isipin ang mahigit na 23,000 metriko toneladang basura at dumi na ikinarga sa mahigit na 300 dump truck at mga compactor at iba pang sasakyan!

Kakailanganin pa, siguro, mahigit sa tatlong (3) araw pa, bago lubusang muling malinis at kaaya-aya sa mata ang Maynila.

Salamat sa tulong ng kompanyang tagahakot ng basura na kahit may utang na mahigit na P950-milyon, tumugon sa pakiusap ni Yorme na tumulong muna, wala munang bayad, magboluntaryo muna, saka na pag-usapan kung paano makasisingil.

E, dahil sa may magandang pinagsamahan naman noon, gratis et amore, hanggang ngayon, naghahakot, nagtatapon ng dugyot at toxic wastes ang Manila Department of Public Services, katuwang din ang volunteer ng MMDA.

Ipiniresenta nu Yorme sa Konseho ang medium term development blueprint sa gagawin niya sa mga susunod na buwan, ito ay paglikha ng trabaho, muling pagtatayo ng mga impraestruktura, housing projects, at patuloy na pagppabuti sa serbisyong medikal, edukasyon, serbisyong sosyal at ang mabigat, paano ibabangon ang pinansiya ng lungsod na, masakit tanggapin, nasimot at sabi nga ni Yorme, “Alaws (walang tinira) nilimas.

Pero hindi matitinag si Yorme sa mabigat na problemang pinansyal, kasi nga, nakatuon ang vision niya na gawing Dakila uli ang Maynila, at sa harap ng City Council, ipinakita niya ang planong Manila Drainage Master Plan, Underground Cabling Project, at ang Transit-Oriented Development Scheme para maging mabilis ang galaw ng tao, maayos na transportasyon at patibayin ang siyudad laban sa kalamidad , at iba pang sakuna.

Yung Legacy One niya noon, tuloy-tuloy: pagtatayo ng 15-storey Binondominium 2, at pagbabagong mukha ng Old Ospital ng Maynila at gawin itong state-of-the-art Pamanrasang Lungsod ng Maynila (PLM) medical campus, at kasama rito ang One Classroom, One Smart TV Program upang maihanda ang Batang Maynila at mga estudyante sa mabilis na takbo ng mundo ng Digital infrastructure.

Nagbabala siya sa mga tolongges, mga siga-siga sa kalye, mga kotongero. Ipatitikim niya ang parehas na batas ng Maynila — sa layuning maprotektahan ang Manilenyo at maging mapanatag ang buhay nila sa buong araw, magdanag at madaling araw.

Naniniwala si Yorme Isko, ” Our children are our treasures,” sabi niya, at gagawin.niya ang lahat upang tiyaking ligtas sila sa mga loko, tolongges at kriminal sa lansangan.

Ipinagtapat ni Isko sa konseho, mabigat ang kalagayan ng pananalapi ng siyudad, “kahit kapis tayo ng pananalapi — kakayanin natin ito!”

Upang mabilis na maresolba ang krisis na banta sa kalusugan, naihanda na nina VM Chi Atienza and council at aprub na at nasa ilalim na ng “State of Public Health Emergency” ang Maynila, na magbibigay kay Yorme ng kapangyarihan makagawa ng mabilis na kilos upang mas mapabilis pa ang paglilinis sa nga barangay na may nakatambak na basura. (May karugtong)
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.