Advertisers

Advertisers

P1.35B SHABU MULA LAOS HULI SA MICP

0 31

Advertisers

NASABAT ang nasa 200 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.36 bilyon sa kargamento mula sa Laos, sa Manila International Container Port (MICP) sa North Harbor, Manila nitong Miyerkules, Nobyembre 4.
Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang mga iligal na droga ay nakalagay sa plastic bags sa loob ng cardboard boxes.
“The illegal drugs, concealed in 200 vacuum-sealed plastic bags inside 50 cardboard boxes, originated from Laos,” sinabi ng PDEA.
Ikinasa ang operasyon ng mga operatiba ng PDEA, Bureau of Customs (BOC), at Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PDEA, nakatanggap ito ng intelligence mula sa foreign counterparts noong Setyembre kaugnay sa hinihinalang kargamento na patungong Pilipinas.
Oktubre 6 nang dumating ang container sa Manila North Harbor at sumailalim sa X-ray examination, canine inspection, at testing gamit ang Raman spectrometer makalipas ang walong araw.
Nagpositibo ang mga ito sa shabu.
“After the prescribed period lapsed without anyone claiming the shipment, the cargo underwent abandonment proceedings and was subsequently opened, resulting in the discovery and confiscation of the illegal drugs,” sinabi ng PDEA.
Ani PDEA Director General, Undersecretary Isagani Nerez, ang pagkakakumpiska ay nagpapakita ng kahalagahan ng intelligence-sharing at koordinasyon sa international counterparts.
Nagsasagawa na ng backtracking ang PDEA para matukoy ang consignee at iba pang indibidwal sa likod ng drug smuggling. (Mark Obleada/Alex Mendoza)