Advertisers
ALAM kaya ng mga opisyal ng gobyerno na ilang taon na silang ipinapangolekta ng ilang masisibang “kolek-tong” sa ilegal na sugal na lantad at talamak sa Oriental Mindoro.
Kumbaga, parang tumama sa lotto jackpot itong mga kolek-tong na sina alyas Sgt.Manalo, Sgt.Leynes, Sgt.Hernandez, Sgt.Guco, alyas Nonoy at Melvin na nangongolekta ng ‘weekly payola’ at ‘goodwill’ sa mga operator ng peryahan na pulos sugal.
Ayon sa imormante malamang puro-bukol ang inabot ng nasabing mga tanggapan sa daang libong halaga ‘weekly’ ang nakokolekta ng mga nabanggit na kolek-tong.
Giit ng source baka magkaroon umano ng sakit na Hematoma mula sa bukol na namumunong dugo itong sina NBI MIMAROPA Regional Director Atty. Moises Tamayo, DILG-MIMAROPA Regional Director Rey Maranan, DILG Oriental Mindoro Provincial Director Frederick Gumabol, PRO4B Regional Director PBGen Christopher Dela Cruz at Oriental Mindoro Provincial Director PCol Efraim Camara. Mismo!
Kiilala nating parehas at matino ang mga nabanggit na opisyal pero bakit sila kinakaladkad ang pangalan at tanggapan nila mga pasugalan.
Ayon sa reklamo grabe at walang takot na mangolekta ng payola ang mga nabanggit na bagman.
Alam nyo ba ito NBI RD Tamayo, DILG RD Maranan, DILG OrMin PD Gumabol, Gen. Dela Cruz at Col Camara mga Sir!
Sa mga hindi nakakaalam ang “goodwill” ay common term para sa kapulisan mula sa mga kino-kotongan nilang gambling operators.
In short ‘payola’ ito mula sa mga sugalan at iba pang illegal vices sa lalawigan ni Gov. Humerlito ‘Bonz’ Dolor.
Bukod umano sa mga nabanggit na ahensya ng gobyerno, ipinangungulekta din ng isang alyas Nani sa mga Peryajan na pulos sugal ang Provincial Capitol ng Oriental Mindoro. Tsk.Tsk.Tsk…
Ang tanong alam kaya ito ni Gov. Dolor?
Kumbaga gasgas na gasgas ang pangalan ng mga nabanggit na ahensya ng gobyerno at kapulisan sa pangungutong ng mga nagpapakilalang sagradong mga tauhan ng mga nabanggit umanong tanggapan.
Kahit umano mga peryahan na nasa liblib na barangay sa lalawigal ay hinihingian ng lingguhang “timbre” ng mga buwayang kolektong.
Umaabot umano sa daang libong halaga ang nakokolektang weekly payola ng mga damuhong bagman gamit ang pangalan at tanggapan ng mga nabanggit na opisyal.
Nakakalula ang ganito kalaking halaga ng intelihensiya na nakokolekta ng mga kolek-tong sa mga dayong gambling operator na alyas Fely, Onyie at Nano na taga Batangas na may kontrol ngayon ng mga pergalan o (perya-sugalan) sa Oriental Mindoro na nakalatag malapit sa barangay hall, istasyon ng pulis, munisipyo, palengke at mall na matatagpuan sa bayan ng Roxas, Bansud, Pola, Bongabong, Bulalacao, Mansalay, Gloria, Socorro, Pinamalayan, Victoria, Naujan, Baco, San Teodoro, Puerto Galera at Calapan City, kaya malamang tiba-tiba ang mga amo nila?
Habang sinusulat natin ang reklamo at impormasyong ito ay pilit nating tinatawagan ang mga nabanggit na tanggapan para sa kanilang panig subalit wala pang sumasagot sa ating tawag.
May karugtong pa…
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com