Advertisers

Advertisers

BNPP NENEGOSYOHIN?

0 21

Advertisers

Payag na ang PHILIPPINE GOVERNMENT na magamit ang nakatenggang BATAAN NUCLEAR POWER PLANT (BNPP) subalit tila ipagnenegosyo na kailangan munang magka-komisyon ang GOVERNMENT OFFICIALS sa pagsusulong na ibenta sa PRIVATE COMPANY ang planta para sa pangangasiwa ng kuryenteng malilikha ng nuklear.

Mismong ang DEPARTMENT OF ENERGY (DOE) ang naghayag na ang BNPP o ang PHILIPPINE NUCLEAR POWER PLANT (PNPP) ay iaalok na sa pribadong kompanya ang naturang planta sa lalawigan ng BATAAN na bagaman pinagkagastusan ng gobyerno sa pagmamantini ay nananatiling nakatengga o hindi pinayagang mag-operate mula sa administrasyon sa nailuklok kapalit sa posisyon noon ni yumaong PRESIDENT FERDINAND MARCOS SR na si yumaong PRESIDENT CORY AQUINO na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin napakikinabangan ng sambayanan.

Siyempre pa sa ganitong aksiyon ng PHILIPPINE GOVERNMENT sa pamamagitan ng DOE.., ang unang nanggalaite sa pagkadismaya ay ang nangungunang tagapagtaguyod ng NUCLEAR ENERGY at CHAIRMAN ng SPECIAL COMMITTEE ON NUCLEAR ENERGY na si CONGRESSMAN MARK COJUANGCO.., dahil ang pagbebenta sa BNPP ay maaaring magdulot ito ng malaking depektibo para sa pagtugon sa pangangailangang enerhiya ng ating bansa.



“We are concerned that this proposed direction could further delay action on the country’s growing energy needs. Habang tumatagal, lalo tayong mapag-iiwanan.., we call for a concrete plan from the government so we can work toward the recommissioning of PNPP and secure nuclear power to strengthen the national grid,” saad ni COJUANGCO.

Ang BNPP na may 621-megawatt Westinghouse pressurized water reactor ay itinayo noong 1976 at natapos noong 1984 sa halagang US$2.3 BILYON na noong taong 2007 nabayaran ang kabuuang halaga mula sa buwis ng mamamayang Filipino na hindi naman ito nag-operate at napakikinabangan ng sambayanan.., subalit nang ihayag ni PRES. BONGBONG MARCOS na gagamitin na ang NUCLEAR POWER.PLANT ay isinusulong naman ng DOE na ibenta sa PRIVATE COMPANY o kung hindi man ay magpapatayo ng bago at hindi na gagamitin pa ang BNPP.



Napamura sa pagkagalit ang mga kaibigan ko na matagal nang naghihirap sa taas ng billing sa konsumo ng kuryente.., kasi nga naman ay hindi natin makitaan ng sinserong pagseserbisyo sa mamamayan ang mga GOVERNMENT OFFICIAL natin dahil inuuna pa rin nila ang makapagnegosyo sa paraang magka-komisyon sa pagbebenta o pagpapagawa ng bagong planta ng nuklear gayong ang BNPP ay maaaring mag-operate ayon sa naging pagsusuri ng PHILIPPINE NUCLEAR RESEARCH INSTITUTE (PNRI).

Ang bansa natin ay mangangailangan ng MASSIVE ENERGY dahil sa PAX SILICA PROJECT na magiging pabrika para sa GLOBAL SUPPLY CHAINS ng SEMICONDUCTORS, ARTIFICIAL INTELLIGENCE (AI), SOFTWARE at CRITICAL MINERALS.., na inilaan ang 1,620 ektaryang lupa sa NEW CLARK CITY, TARLAC para pagtayuan ng proyekto kung saan ay higit ngayong kakailanganin ang NUCLEAR POWER PLANT para masustinehan ang kakailanganing enerhiya.



Ang malaking katanungan ngayon ay ang tila aksiyon ng DOE na isapribado ang BNPP o huwag na itong gamitin at sa halip ay magpagawa ng panibagong POWER PLANT.., o isa na naman kaya itong sistema ng KURAPSIYON sa pamamagitan ng mga pangungumisyon sa kanilang pakikipagtransaksiyon

PAGING PRES. BONGBONG MARCOS.., ang pagsasapribado ng BNPP ay iaalok sa private company ng halagang mahigit US$450 BILYON ayon sa impormasyon ni CONG. COJUANGCO.., kaya naman nananawagan ngayon partikular ang sektor ng mga naghihirap na mamamayan na huwag isapribado ang BNPP at isakatuparan ni PBBM ang pagsupil sa KURAPSIYON sa hanay ng GOVERNMENT OFFICIALS.

Mga ka-ARYA.., ang panawagan ng NUCLEAR ADVOCATES ay taong bayan ang dapat makinabang at hindi ang private company na dapat ay sang-ayunan ni PBBM para sa kapakanan ng mayoryang naghihirap na mamamayan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.