Advertisers

Advertisers

Seguridad sa 49th ASEAN Summit plinaplantsa na

0 30

Advertisers

INATASAN na ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Officer-In-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano ang lahat ng district director at chief of police sa buong Kalakhang Maynila na repasuhin ang kanilang mga contingency plan at deployment para sa nalalapit na 49th ASEAN Summit na gaganapin sa bansa.
Upang siguruhin ang kaligtasan ng mga dayuhang delegado at ng publiko.
Kinakailangan aniyang regular na inspeksiyunin ng mga hepe ng pulisya ang kanilang mga nasasakupan at alamin aniya ang posibleng mga kahinaan sa pagpapatupad ng seguridad.
Giniit ng naturang heneral, na dapat aniya laging handa at alerto ang buong NCRPO sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad at isaalang-alang ang mga posibleng mga pagbabago batay sa galaw mga tao at daloy ng trapiko.
Kung saan ipatutupad din ang mahigpit na proteksiyon sa bawat delagado ng ASEAN Summit.
Sinabi nito, na lagi aniyang magkaroon ng koordinasyon sa iba pang sangay ng gobyerno lalu na may kinalaman sa pagpapatupad ng seguridad.
Gaganapin ang ika-49th ASEAN Summit sa Nobyembre 15 hanggang 18 ng taong kasalukuyan at isasagawa ito sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City at mag-ho-host naman ng ilang high level activities ay ang Pamahalaang Lungsod ng Makati.(Gaynor Bonilla)