Advertisers

Advertisers

MATINDING LABANAN SA SAMAR

0 24

Advertisers

‘DI mabitawbitawan ng kakarampot na bilang na lamang ng mga rebelde ang probinsiya ng Samar. Marahil, dahil sa layo nito sa kabihasnan ay pinilit na lamang ng mga New People’s Army (NPA) na dito mamalagi dahil marami pang kagubatan sa lugar.

Nagkamali sila. Kamakailan lang ay may napaslang na dalawang di pa nakikilalang mga NPA fighters sa matinding labanan sa pagitan ng kanilang hanay at ng militar. Dalawang high-powered firearms din ang narecover ng ating kasundaluhan at nabisto pa ang kanilang pinagpupugaran sa may Barangay Jicontol, Dolores, Eastern Samar noon lamang October 28, 2026.

Inabanduna ng mga NPA ang nasabing kuta at hinayaan na lamang iwan ang mga labi ng kanilang napaslang na kasamaan.



Wala man nasaktan sa hanay ng militar, sinasabi naman ng 8th Infantry Division ng ating Philippine Army na kaya nila natumbok ang kutang iyon ng NPA ay dahil na rin sa timbre ng mga residente doon. Mayroon daw mga armadong grupo na bumaba sa kanilang komunidad para manakot at mangikil.

Wala talagang magawang magaling ang mga hitad. Ayub eh di hinabol ng Army kasama ang 52nd Infantry Battalion kung saan binigyan sila ng matinding laban.



Umepal naman agad ang National Democratic Front (NDF) at kinukundina ang pagpatay sa dalawang miyembro ng kanilang armadong grupong NPA.

Ang pagsugod daw ng militar at ang matinding labanan at nagdulot pa ng matinding pagkasira ng komunidad doon.



Paanong nangyari iyon? Eh sa kagubatan nagkaroon ng matinding bakbakan.

Pangalawa ang NPA ang sumisira sa komunidad, naghahasik sila ng takot sa pamamagitan ng pangingikil at sapilitang pangrerecruit ng mga pede nilang gawing mandirigma.

Para sa akin, tama lang ang sinapit ng dalawang NPA. Matagal nang panawagan ang pamahalaan ng kanilang pagsuko para bigyan Daan ang kapayapaan sa Samar at makamtan ang kaunlaran.

Ang CPP-NPA-NDF ang sumisira ng tahimik na pamayanan, sila rin ang mismong nagdulot ng matinding kahirapan sa mga ganitong lugar.