Advertisers
Nasawi ang isang barangay chairman at driver nito nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa loob ng kanilang sasakyan sa Barangay Del Pilar, San Fernando, Pampanga noong Hunyo 11.
Kinilala ang mga biktima na sina Matt Ryan dela Cruz, chairman ng Brgy. San Pedro Cutud; at driver nitong si Henry Aquino.
Ayon sa mga saksi, pinaulanan ng bala ng mga salarin ang kulay maroon Mitsubishi Montero with plate number WQC 788 ng mga biktima habang nagkakarga sa isang gasoline station sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, may tama ng bala sa kaliwang sentido si Dela Cruz na siyang sanhi ng pagkamatay nito.
Matapos ang pamamaril, tumakas naman ang mga suspek patungo sa San Fernando proper.
Nasamsam ng pulisya sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng hindi pa malaman na kalibre ng baril.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng pulisya ang pangyayari ang motibo ng pamamaril.(Mark Obleada)