Ate Vi may big project sa Mentorque Productions ni Sir Bryan Dy; Jules Graeser & Michael Luke magbibigay pugay kay iconic Vehnee Saturno sa concert sa California
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
ASIDE kay Piolo Pascual ay isa pang love na love at sobrang nirerespeto ng kilalang movie producer na si Sir Bryan Dy ng Mentorque Productions ay si Vilma Santos.
Last January 2023 nang i-welcome ni Ate Vi si Sir Bryan sa buhay ng nag-iisang Star for All Seasons. At kahit magkasabay noon ang kanilang mga movie na Mallari at When I Met You In Tokyo ay napanatili nila ang kanilang friendship. Kahanga-hanga naman talaga si Ate Vi at nagtitiwala siya sa mga baguhang producer gaya ni Sir Bryan at mga producer niya sa WIMYIT. Ngayon ay matutupad na ang dream movie project ni Sir Bryan for Ate Vi na ididirek ng director couple na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.
Wala pang annnouncement ang Mentorque producer kung pang MMFF 2024 ang pelikula sa kanila ni Ate Vi, at kung sino ang magiging leading man ng local and international multi-awarded actress. Ibig sabihin ay gusto nilang surpresahin ang Vilmanians. Basta as of now ay sunud-sunod ang kanilang mga meeting para sa said big project na recently lang ay nagkita-kita si Ate Vi at ang grupo ni Sir Bryan with Direk Antoinette and Direk Dan plus Direk Irene Villamor sa Britanny Hotel sa BGC.
Ate Vi and Sir Bryan are both excited sa kanilang collaboration na ito. By the way, very happy si Sir Bryan na ang most awarded film ni Papa P na “Mallari” ay mapapanood na worldwide sa NETFLIX. Big Congrats PAPA P and SIR BRYAN.
***
VERY excited and super happy ang International recording artist and TV and event host na si Jules Graeser at parte o topbilled siya kasama ang kapwa singer na si Michael Luke with Fil-Am Hollywood Hearththrobs, at iba pang local talent sa California, USA sa show na handog sa idol niyang iconic composer na si Vehnee Saturno. Siyempre, produkto rin si Jules ni Tito Vehnee at dalawang single ang ginawa nito para sa famous TV personality (Jules) sa Los Angeles, California na “Maari Bang Ibigin Ka?” at latest single nitong “Katuparan.” Say pa ni Jules, sa lahat ng shows na ginawa niya sa iba’t ibang parte ng Amerika, sa “SINGS VEHNEE SATURNO HITS” daw siya pinaka- excited.
Siyempre, ang kumanta ng mga sikat na compositions ni Vehnee ay pawang malalaking pangalan na sa music industry. Well, kahit sa July 6 pa ang show nila ni Michael Luke na gaganapin sa Celebrity Center in Hollywood, Los Angeles, California, ngayon pa lang ay iniimbitahan na ni Jules ang lahat ng kanyang fans and supporters na panoorin ang special show nilang ito na tribute na rin nila for Vehnee Saturno. Si Jules din ang magdidirek ng kanilang show and for your tickets na $40 you may call or text (714) 925-2480.