Advertisers

Advertisers

Sharon excited na sa serye kasama si Julia; Belle sa bar nagselebra ng b-day kapiling si Donny

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

AFTER FPJ’s Ang Probinsyano, muling gagawa ng serye si Sharon Cuneta na makakasama si Julia Barretto.

Kinumpirma ito ng mister ni Sharon na si former Senator Kiko Pangilinan sa panayam sa kanya nina Deo Macalma.and Sister L sa radio program ng DZRH na Damdaming Bayan noong June 12, Wednesday.
Sa bandang huli ng nasabing interview ay tinanong ni Deo ang tanong ng isa sa mga listener kung may balak bang tumakbo bilang mayor ng Pasay City si Sharon.



Sagot ni Kiko, “Ah parang mas masaya siya sa pag-awit at pagkanta at mayroon siyang bagong teleserye kasama si Julia Montes sa ABS-CBN. So abangan ninyo.”
Noong isang araw naman ay pinost ng manager ni Julia na si Mac Merla ang picture ng pinto ng isang dressing room.

Makikita sa naka-display sa pinto ang logo ng Dreamscape Entertainment at ang pangalan ni Julia.
Dinelete naman agad ni Mac ang nasabing photo at wala na ring naglabasang picture at details sa nasabing event pero tiyak na may kinalaman ito sa upcoming serye nina Sharon at Julia.
Matatandaang sa presscon ng ‘Dear Heart’ concert nila ni Gabby Concepcion ay naikuwento ng Megastar na may gagawin siyang teleserye ngayong taon
“I’m set to do a teleserye next year for them [ABS-CBN] around May,” sey ni Sharon.
“I can’t announce pa with whom but you’ll be happy, she’s like my daughter,” aniya pa.



***
NAG-CELEBRATE ng kanyang birthday si Belle Mariano kasama si Donny Pangilinan sa isang bar.
Makikita sa video na in-upload sa Facebook ng kaibigan nilang si Alora Sasam nitong June 14 ang pangungulit ni Donny kay Belle habang inaawitan ng happy birthday at pinapa-blow ang digital candle niya.

Maliban kay Alora, kasama nilang nag-inuman sa bar sina Joao Constancia, Darren Espanto at Vivoree Esclito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">