Advertisers
NAMATAY ang isang bicycle rider na patawid sa kalsada at angkas ng isang motorsiklo na nakabangga sa nagbibisekleta ar muling bumangga sa isa pang motorsiklo sa Naic, Cavite nitong Martes ng umaga
Namatay agad sa pinangyarihan ng insidente ang bicycle rider na si alyas Ruel at angkas ng motorsiklo na si alyas Danny dahil sa malalalim na sugat sa katawan habang isinugod naman sa San Lorenzo Hospital sina alyas Vincent at alyas Edgardo para malapatan ng lunas.
Base sa footage sa Closed Circuit Television (CCTV), naganap ang insidente 6:20 ng umaga kung saan papatawid ang biktima na si alyas Ruel sakay ang kanyang kulay itim at green na Mountain bike galing NAI patungo sa Guco Road nang nabangga siya ng minamanehong kulay green na motorsiklong Kawasaking Ninja na minamaneho ni alyas Vincent na binabagtas naman ang kahabaan ng Antero Soriano Highway patungo sa northbound direction ng Maragondon.
Dahil sa mabilis na pagpapatakbo at malakas na pagkakabangga, tumilapon ito ng halos 20 metro ng layo at bumangga ito sa isang kulay itim na motorsiklong Yamaha Mio 125 na minamaneho ni alyas Edgardo dahilan upang mawalan naman ito ng kontrol sa kanyang manibela at tumilapon sa semento.
Nagtamo ng mga sugat ang nagbibisikleta na si alyas Ruel at ang angkas sa motorsiklo ni Vincent na si alyas Danny na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan habang si Vincent at Edgardo ay isinugod sa ospital para malapatan ng lunas.(Irine Gascon)