Advertisers

Advertisers

‘UPGRADING ACTIVITIES’ SA NAIA, HINDI APEKTADO ANG OPERASYON

0 7

Advertisers

INIHAYAG ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi dapat ipangamba ng publiko ang ‘upgrading activities’ nito na makaapekto sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport.

Tiniyak ng MIAA sa publiko na patuloy ang magiging operasyon ng Ninoy Aquino International Airport kahit may nagpapatuloy na maintenance activities nito.

Ayon sa MIAA masusing pinlano ang next scheduled round ng maintenance activities para sa upgrading ng NAIA Terminal 3 electrical systems.



Ito ay para matiyak na magpapatuloy pa rin ang operasyon ng paliparan lalo na anila tuwing peak hours.

Dahil dito, tiniyak ni MIAA General Manager Eric Jose Ines sa mga stakeholders na may mga generator sets na mag susupply ng pansamantalang kuryente sa lugar na under maintenance work.

Hindi rin aniya maapektuhan on going activities ang lahat ng critical systems para sa processing ng mga pasahero at flights. (JOJO SADIWA)