Mayor Honey, VM Yul nanguna sa selebrasyon ng ‘Araw ng Maynila’
Advertisers
PINANGUNAHAN nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang mga city officials, employees at residente ng Maynila sa selebrasyon ng ika-453 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod na tinawag na ‘Araw ng Maynila’, June 24 (Lunes), na dineklara bilang holiday ng Malacanang.

Sinabi ni Lacuna na ang Lungsod ng Maynila sampu ng mamamayan nito ay may dahilan upang ipagmalaki ang kanilang pag-aari na siyang kabisera ng bansa dahil na rin sa tinamo nitong pag-unlad sa post-pandemic.
Nagpasalamat ang alkalde sa lahat na nag-ambag upang maging matagumpay ang pagdiriwang, sampu ng mga activities na inilatag patungo sa mismong araw ng anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila.
Muli ay pinasalamatan ng lady mayor ang mamamayan ng Maynila sa pagbibigay ng kanilang tiwala sa kanya upang maging kauna-unahang babeng alkalde ng Maynila sa pamamagitan ng landslide victory na kauna-unahang din sa Maynila.
Minsan pa ay nanawagan ng suporta si Lacuna sa lahat ng mga Manileño sa pagsasabing, sa pamamagitan lamang ng pagkakaisa matatamo ng pamahalaang lungsod ang kanyang adhikain na maging ‘Magnificent Manila in 2030.’
Binanggit nya rin sa kanyang pasasalamat ang mga taxpayers na nagbabayad ng kanilang tax ng kung saan ang kanilang ibinabayad ay malaking tulong sa pagpondo sa mga programa at proyekto na pinakikinabangan ng mahihirap na kababayan.
Bilang ganti, sinabi ni Lacuna na siya at ang mga city officials na kanyang itinalaga ay mahusay at maingat na pinanganagsiwaan ang gastusin ng lungsod at tinitiyak na ito ay direktang nagpupunta sa taumbayan.
Nagsimula ang Isang araw na selebrasyon sa pamamagitan ng wreath-laying ceremony sa Rajah Sulayman , Malate ganap na alas 7:30 a.m., sinundan ito ng civic-military parade na nagsimula sa Dagonoy Street sa Onyx, San Andres, Manila.
Kaugnay ng nasabing selebrasyon, nagpatupad ng road closures simula 12 a.m. upang bigyang daan ang parada at pinasalamatan naman ni Lacuna ang mga motorista sa kanilang pakikipagtulungan. (ANDI GARCIA)