Advertisers
SA pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations na pinamumunuan ni Senadora Imee Marcos, isinalaysay ni Philippine Navy Personnel Jefferey Facundo ang naganap na panghaharass sa kanila ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal noong June 17,2024.
Si Facundo ang sundalong naputulan ng daliri sa natu-rang insidente.
Sinabi ni Facundo na intentional o sinadya ng mga Chinese Coast Guard ang paninira at pagbutas sa inflatable boat ng Philippine Navy.
Pinuri naman ni Senadora Risa Hontiveros ang katapa-ngan ni Facundo at ng mga kasamahang sundalo na hinarass ng CCG.
Sa naturang pagdinig, nilinaw ni Facundo na pito ang armas na kanilang dala at lima dito ang kinuha ng China Coast Guard.
Nilinaw din ng sundalo na kanila lamang gagamitin ang mga naturang armas kung sila ay papuputukan ng mga Tsino.(CESAR MORALES)