Advertisers

Advertisers

Dimalanta nauumay na nga ba sa Aboitiz?

0 239

Advertisers

Kung dati chummy-chummy pa itong sina Energy Regulatory Commission (ERC) chairperson Mona Dimalanta at dati niyang boss na Aboitiz, iba na pala ngayon ang sitwasyon.

Mula nang maupo bilang ERC chairperson, madalas ipatawag itong si Dimalanta sa Palasyo, lalo pa tuwing naroroon ang kanyang dating amo na si Sabin Aboitiz, na palagi ring laman ng Malacanang dahil siya ang lead convenor ng binuong Private Sector Advisory Council ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon sa ating mata sa Palasyo, tuwing naroroon si Dimalanta ay puro pabor sa mga Aboitiz ang sentro ng usapan. Siyempre, hindi ito matanggihan ni Dimalanta, lalo pa’t dati niyang amo si Sabin at si Marcos pa ang nag-upo sa kanya sa ERC.



Pero nitong mga nakaraang panahon, napansin na nag-iiba na ang timpla nitong si Dimalanta.

Bukod sa pagod na siya kakabalik sa Malacanang, napupuno na itong si Dimalanta dahil palagi siyang iniipit para paboran ang lahat ng gusto ng Aboitiz.

Nagbubunganga na raw si chairperson dahil nakakaapekto na ito sa trabaho ng ERC bilang regulatory body at hindi na niya nagagawa ang tungkulin na pamunuan nang tama ang ahensiya.

Palagi pa namang bukambibig ni Mona ang Section 38 ng RA 9136 o ang EPIRA Law na lumikha sa ERC bilang “independent, quasi-judicial regulatory body.” Ang linaw ng nakalagay – independent. Kaya hindi dapat madalas pinatatawag ni Sabin sa Malacanang.

Ito kaya ang dahilan kung bakit ang gulo-gulo at ang kupad ng ERC ngayon? Dahil ba inutusan siya na paboran ang amo at ipitin ang karibal sa negosyo?



Napi-pressure na rin yata ang ERC dahil hinahanapan na ng Malacanang ng solusyon sa mga yellow at red alerts.

Ano kaya ang nangyari at biglang nagbago itong si Dimalanta? Hindi kaya lumilitaw na ang kanyang tunay na kulay at nais nang suwagin ang taong naglagay sa kanya sa puwesto?

Alam naman natin na hindi pula, kundi pinklawan ang kulay nitong si Dimalanta. Isa siya sa mga masugid na tagasuporta ng kandidatura ng noo’y Vice President Leni Robredo bilang pangulo.

Isa pa nga siya sa mga organizer ng malalaking rally ni VP Leni noon. Pero nagpalit siya ng kulay nang manalo itong si PBBM at italaga siya sa ERC.

Ngayon, kung patuloy na papalag at magmamatigas itong si Dimalanta sa gusto ng kanyang mga amo, baka magising tayo isang araw na wala na siya sa puwesto.

If you can’t stand the heat, get out of the kitchen. Kung hindi niya kayang sumunod, mas mabuti ngang mag-resign na lang siya. Huwag na niyang antayin na sibakin pa siya sa puwesto.

Kung sabagay, wala nang naniniwala sa forever kasunod ng break-up ng KathNiel at KimXi. Baka doon na rin patungo ang SabOn! Unti-unti na silang natutunaw at nauubusan ng bula!