Advertisers
PATAY ang isang dating pulis nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City, Sabado ng umaga.
Hindi na umabot sa pagamutan ang biktimang si alyas “Christian”, 40 anyos, dating miyembro ng Malabon City Police, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Isa sa mga salarin ang nakilala sa alyas “Jay”, 27.
Sa report, nangyari ang insidente 4:20 ng umaga sa A. Mabini St., Barangay 15, ng nabanggit lungsod.
Sinita at hiningan ng biktima ng lisensiya si Jay na driver ng Mio Motorcycle (8162-UO) at tinanong kung ano ang ginagawa sa Libis Nadurata St..
Sa puntong ito, lumapit ang isa pang lalaki na naka-helmet at pulang t-shirt at pinagbabaril ng ilang ulit ang dating pulis.
Nang bumulagta ang biktima, tumakas ang mga salarin, iniwan ang gamit na motorsiklo.
Napag-alaman na nasibak sa tungkulin ang biktima dahil nag-AWOL (absent without official leave) sa kasagsagan ng ‘Oplan Tokhang’ ng Duterte administration.