Advertisers

Advertisers

SEN. LAPID MAGRE-RESIGN NA SENADOR KAPAG MAPATUNAYAN NA SANGKOT SA POGO HUB SA PORAC PAMPANGA

0 14

Advertisers

Hinamon ni Senador Lito Lapid ang mga nag aakusa sa kanya partikular na ang blogger na hindi pinangalanan ng mambabatas na magre resign siya sa pwesto bilang senador kapag mapatunayan na sangkot o may kinalaman siya sa na raid na POGO hub sa Porac Pampanga.

Residente ng Munisipalidad ng Porac si Lapid na kanyang kinagisnan mula ng kapanganakan.

Sa kanyang pahayag hindi maiwasan ni Sen. Lapid ang kanyang pagkainis sa isang blogger na hindi niya pinangalanan na lagi siyang binabanatan na siya ang may ari ng sampung hektaryang lupa na kinatitirikan ng POGO Hub at protektor aniya ang senador sa na raid na POGO.



Dito na tinanong ni Lapid si Porac Mayor Jaime Capil kung sino ba talaga ang may ari ng lupa na kinatitirikan ng POGO hub ng Lucky South 99 Outsourcing Inc.

Sinagot ni Mayor Capil na magkakapatid na Cruz ang may ari aniya ng kinatitirikang lupa ng POGO.

Iginiit ni Senador Lapid na hindi niya sisirain ang kanyang pangalan sa operasyon ng POGO at kung mapapatunayan na may kinalaman siya handa siyang mag resign bilang senador.

Nalulungkot ang senador dahil sobrang nasira at nayurakan ang pangalan ng Porac dahil sa POGO na ito kung kayat nananawagan si Lapid kay Mayor Capil na ayusin at linisin ang pangalan ng Porac upang maibalik ang tiwala at muling makahiyat ng mga mamumuhunan.

Sa huli nananawagan si Lapid sa NBI na mapapanagot ang blogger na naninira sa kanya dahil sa sampung kaso aniya na libel ng naturang blogger anim dito ang may warrant of arrest, kung kayat nananawagan ang senador kay NBI Director Jaime Santiago na arestuhin ang naturang blogger at ipatupad ang warrant of arrest. (CESAR MORALES)