Advertisers
Advertisers
Advertisers
Nasawi sa ambush ang isang lalaki na nagmamaneho ng kotseng bumangga pa sa kasalubong na dump truck ng nawalan na ito ng control sanhi mga tama ng bala sa kanyang ulo.
Kinilala ang biktima na si Narris Maon, dating empleyado ng isang ahensiya ng nabuwag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sa report, naganap ang pag-ambush sa biktima sa isang bahagi ng highway sa Barangay Balindog sa Kidapawan City, kabisera ng probinsya ng Cotabato sa Region 12.
Mabilis na nakatakas ang mga tumambang kay Maon sakay ng motorsiklo.
Inaantabayan pa ang pahayag ng Kidapawan City police hinggil sa insidente.
Prev Post
Next Post