Advertisers

Advertisers

P6.8m droga nasabat sa jeepney driver

0 7

Advertisers

Nasabat sa isang jeepney driver ang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa buy-bust operation sa Cebu City noong Lunes.

Arestado ang 47 taong gulang na suspek sa Sitio Sindulan, Brgy. Mabolo.

Ayon sa pulisya, mahigit isang kilo ang bigat ng kontrabando.



Sinabi ng hepe ng Mabolo police station na ang suspek ay itinuturing na isang regional high-value target.

Bukod sa Cebu City, responsable rin umano ang suspek sa pamamahagi ng ilegal na droga sa mga karatig lungsod at sa northern part ng lalawigan ng Cebu.