Advertisers

Advertisers

27 sugatan sa “palpak” na “fireworks disposal”

0 6

Advertisers

Nasa kritikal na kalagayan ang limang uniformed personnel at 22 iba pa ang nagtamo ng sugat nang aksidente sumabog  ang mga itatapon mga paputok sa Zamboanga City nitong Lunes ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa hospital ang 5  malubhang nasugatan na nakilala sina PMSg Raymond Herochi, PCMS Delilah Zamora, Pat Steve Sta Esteban, pawang miyembro ng Philippine National Police;  PO3 Alrick Zar Enriquez, miyembro ng Philippine Coast Guard; at FO3 Saud Mubin Ahmad, miyembro ng Bureau of Fire and Protection (BFP).

Habang ang 22 mga sugatan na kinabibilangan ng 3 PNP,  4 BFP,  2 PCG, 5 Philippine Marine at 7 sibilyan  ang mga pinauwi na matapos na malapatan ng kaukulang lunas.



Sa report, 5:35 ng hapon nang maganap ang insidente sa Zone 2 Brgy Cabatangan, Zambaonga City.

Nabatid na magsasagawa ng “firework disposal” ang mga pinagsanib na elemento ng Regional Explosive and Canine Unit 9 , BFP, PCG at Phil Marine ng mga nasamsam na paputok mula sa sumabog na mga paputok sa isang pagawaan ng paputok na ikinasawi ng 5 katao sa Brgy. Tetua, Zambaonga City noon June 29,2024.

Habang nagsasagawa ng “firework disposal” ang mga otoridad ng bigla nagkaroon ng “premature detonation” na malubhang ikinasugat ng 5 uniformed personnel at sugatan ang 22 iba pa.

Sa lakas ng pagsabog napinsala rin ang 1 PNP mark vehicle na may plakang YOI 182, PM EOD marked vehicle na may plakang  092805, (1) KM450 na may plakang SKT 960 at (1) BFP fire truck na may plakang NDJ 9507.

Agad naman isinugod ang mga sugatan sa iba’t-ibang ospital sa Zamboanga City upang malapatan ng lunas.



Patuloy naman ang isinagawang imbestigayon ng mga otoridad kaunay nasabing insidente.(Mark Obleada)