Advertisers

Advertisers

Higit 20 hepe ng Davao City Police sinibak

0 11

Advertisers

Inalis na sa puwesto ang mahigit 20 tauhan ng Davao City Police dahil sa pagdami ng insidente ng panggagahasa at pagpatay sa kanilang lugar.



Ayon sa Police Regional Office 11 (PRO11) nitong Martes, kasama sa mga na-relieve na tauhan ang city police director at 19 police station commanders.

Sinabi pa ng PRO11 na ang lahat ng kinauukulang tauhan ng pulisya ay na-reassign na.

Ipinag-utos ni PRO11 Regional Director Police Brigadier General Nicolas Torre III ang kanilang relief matapos madiskubreng mayroong 22 pagpatay at 41 kaso ng panggagahasa sa lungsod mula Enero hanggang Mayo.

“This translates to one killing and two rapes per week for the 22 weeks,” Ayon sa PRO11.

Idinagdag din ng mga awtoridad na ang data na ito ay nagpakita ng matinding pagkakaiba sa mga istatistika ng krimen at hindi sapat na oras ng pagtugon ng pulisya.

Karamihan sa mga pagpatay ay udyok ng personal na sama ng loob sa mga nakaraang marahas na insidente sa pagitan ng mga suspek at mga biktima.
Ayon sa PRO11, may ilang pulis umano na nag-iingat ng dalawang blotter at isa rito ay na-sanitize para hindi mapakita ang totoong sitwasyon sa isang partikular na area of responsibility.

Samantala, hinikayat ni Torre ang lahat ng mga tauhan ng Davao City police na gamitin nang maayos ang kanilang mga kagamitan sa komunikasyon at panatilihin ang mahigpit na pangangasiwa upang mapahusay ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon.