Advertisers
Arestado ang isang kasapi ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng PCG-Intelligence operatives at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Regional Field Unit 9, ng South Western Mindanao nang manghingi ng P250,000 sa isang aplikante ng ahensiya noong Sabado.
Sa ulat, Hulyo 6 nang isagawa ang entrapment laban sa isang kawani na nakatalaga sa Coast Guard Logistics and Finance Management Center-Southwestern Mindanao (CGLFMC-SWM),n ang isuplong ng isang PCG Commission applicant.
Kasong Estafa ang ihaharap sa ‘di binanggit na PCG personnel kaugnay sa alok noong Hunyo 27, 2024 na tutulungan siyang makapasok sa ahensya kapalit ng P250,000.
Magsasagawa rin ang Coast Guard Inspector General and Internal Affairs Service (CGIGIAS) ng pormal na imbestigasyon kaugnay sa nasabing insidente.
Mahaharap din ang suspek sa kasong administratibo sa ilalim ng Revised Guidelines and Procedures on the Disposition of Violations of the Code of Conduct and Discipline para sa PCG Uniformed Personnel.(Jocelyn Domenden)