Advertisers
Inalis agad sa pwesto ilang oras pa lamang bagong naluklok na hepe ng Davao City Police Office (DCPO) na si Police Col. Lito E. Patay nang maupo nitong Miyerkules, Hulyo 10.
Kinumpirma ni Police Regional Office-11 spokesperson Police Major Catherine dela Rey sa isang text message na na-relieve si Patay sa kanyang puwesto pero hindi naman siya nagbigay ng karagdagang detalye sa bagay na ito.
Sinabi ni Dela Rey na si Police Col. Sherwin Butil, pinuno ng Regional Information and Communication Technology Management Division, pinangalanang kahalili ni Patay simula Hulyo 10.
Itinalaga si Patay bilang hepe ng Regional Operations Division ng PRO-11, kapalit ni Police Col. Alberto C. Lupaz, na ngayon bagong hepe ng Regional Information and Communications Technology Management Division.
Iniulat na tinitipon ni Patay ang mga bagong station commander dito sa isang conference nang makatanggap siya ng tawag sa telepono mula sa Philippine National Police (PNP) headquarters na nagpaalam sa kanya ng mga pagbabago.
Ini-relieve ng PRO-11 noong Lunes, Hulyo 8, ang 20 pulis dito, kabilang ang acting director ng DCPO na si Police Col. Rolindo Suguilon, na pinalitan ni Patay, kasunod ng reorganization order.
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.