Advertisers
Ni Rommel Placente
SA guesting ni Barbie Forteza sa Fast Talk With Boy Abunda, agad na nilinaw niya na walang isyu sa kanila ng boyfriend na si Jak Roberto ang loveteam nila ni David Licauco na mas kilala sa tawag na “BarDa”.
Pero hindi niya itinanggi na sa seven years na relasyon nila ni Jak, oras at panahon ang naging struggle nila.
Sabi ni Barbie, dumating daw yung panahon na kailangang isantabi muna ang oras para kay Jak nang biglang sumikat ang loveteam nila ni David. Aniya, na-guilty din siya dahil dito.
“Especially noong na-busy and siyempre, nakaramdam ako ng kaunting guilt towards him because, I have to admit, hindi naman ito bago, I have to set him aside kasi nag-pick up ang BarDa,” pahayag ni Barbie.
Ngunit inintindi ni Jak ang sitwasyon ng kanyang girlfriend, “He really took it lightly. He was very proud of me, very happy for me.
“Siya nga ‘yung laging nagyayaya na mag-celebrate, iti-treat niya ako kapag may bago akong endorsement with David, or kapag may bago akong show with David.
“Talagang he sees to it na magsele-celebrate kami, iti-treat niya ako, ide-date niya ako,” kuwento pa niya
Dagdag ng dalaga, “Very secure siya sa sarili niya. He lets his woman shine, kahit not with him.”
Sa tanong ni Tito Boy kung friends ba sa tunay na buhay sina Jak at David, “Sabi nila. Hahahaha! Hindi naman sila nag-uusap. But I guess they’re good.”
***
SA Interview ng ABS-CBN kay Jed Madela, sinagot niya na ang paratang ng tiyahin niya at dating manager na si Annie Mercado, na ungrateful daw siya at patama niya rito ang bago niyang kanta na Wish U The Worst.
Ayon kay Jed, nais niyang ayusin kung anuman ang problema sa pribadong paraan, “It’s a family matter, and we’re trying to deal with it privately.”
At tungkol naman sa kanta niyang “Wish U The Worst,” hindi raw siya ang nagsulat nito at wala siyang pinatatamaan sa lyrics kaya na-shock siya sa reaksiyon ng dating manager.
“I didn’t write the song. It was written by Kio Priest. It just so happened that it was offered to me, I wanted a new sound.
“Ni-record ko siya, you have to go with the flow of how things are now. It just so happened na it got caught in the middle. It’s a song.”
Sabi pa ng singer, “I never stopped saying na I am grateful. Sila naman ang nagsimula (ng career ko). They started my career, Tita Annie brought me to Manila. She helped me get into showbiz.
“It was, we were a team. In time kasi, we all have to grow. Kami, we have different priorities now.
“Sila, they’re focused on WCOPA (World Championship of Performing Arts). Ako, I’m focused on a new chapter in my life doing something different naman.