Advertisers

Advertisers

Bong Go umayuda sa sektor ng manggagawa sa Catanduanes

0 10

Advertisers

Sa pakikipag-ugnayan kay Vice Mayor Roy Regalado, nagbigay ng kinakailangang ayuda ang Malasakit Team ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga nawalan ng trabaho sa Bato, Catanduanes noong Martes.

Sa isang video message, sinab ni Go na patuloy na nagsisikap ang gobyerno upang suportahan ang mga Pilipinong nangangailangan at magbigay ng mas maraming pagkakataon sa kabuhayan.

“Sa gitna ng ating mga pagsubok, nais kong ipaabot ang aking tao-pusong suporta at pag-asa para sa inyong lahat. Ang pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga programang pro-poor upang matulungan ang bawat isa sa inyo, lalo na ang mga nawalan ng trabaho,” ani Go.



“Huwag kayong mawalan ng pag-asa, sapagkat kami ay narito upang sumuporta at magserbisyo sa inyo. Patuloy tayong magkaisa at magtulungan, sapagkat ang ating layunin ay upang mabuhay ang bawat Pilipino,” dagdag na himok niya.

Tinaguriang G. Malasakit dahil sa kanyang pakikiramay sa mga mahihirap, inihain ni Go ang Senate Bill No. 420 upang magtatag ng isang programa na magbibigay ng pansamantalang kayod sa karapat-dapat na indibidwal mula sa mga mahihirap na sambahayan.

At para mas mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilyang Pilipino, isa sa may akda at isponsor si Go sa SBN 2534, na naglalayong dagdagan ng P100 ang daily minimum wage sa buong bansa.

Tinulungan ng Malasakit Team ni Go ang 65 displaced workers na nagtipon sa Brgy. Cabugao Covered Court.

Bukod dito, sa pakikipagtulungan ni Go sa mga lokal na opisyal at ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang mga benepisyaryo ay naging kwalipikado din para sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).