Advertisers
Sinibak sa pwesto ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang isang traffic enforcer na nahuling nangongotong.
Ang nasabing traffic enforcer, isa sa mga nakatalaga sa Deparo Intersection sa Caloocan.
Nabatid na kaliwa’t kanan ang reklamong natatanggap ng Caloocan LGU hinggil sa mga traffic enforcers nila na kinokotongan ang mga delivery trucks, rider at pribadong sasakyan na alam nilang magbibigay ng pera upang hindi maabala.
Ni-relieve sa pwesto ang buong unit ng traffic enforcers sa Deparo Intersection kung saan isasailalim sila sa imbestigasyon.
Iginiit ni Mayor Dale Gonzalo Along Malapitan na hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong uri ng iligal na gawain at sinisigurong papatawan ng parusa.
Hinihimok naman ng Caloocan LGU ang publiko na isumbong sa Mayor’s Action Center ang anumang reklamo sa mga tauahn ng lokal na pamahalaan.(Beth Samson)