Advertisers

Advertisers

NU, Letran nangibabaw sa Shakey’s Super League opener

0 5

Advertisers

SINIMULAN ng National University ang kanilang kampanya sa Shakey’s Super League (SSL) National Invitational sa pamamagitan ng 25-19,25-15,25-16, wagi laban sa Enderun Colleges sa Ninoy Aquino Stadium Miyerkules.

Wing spiker Evangeline Alinsug umiskor ng 13 points, kabilang ang anim sa third set,Habang opposite hitter Natazha Bombita nagdagdag ng 10 para makamit ng lady Bulldogs ang tagumapay matapos ang dalawang oras na paluan.

Rookie Celine Elizabeth nagtala ng three aces at eight points, kabilang ang pito sa second set,habang ang middle blocker Aishat Bello bumakas ng seven points.



Samantala, Nizelle Martin at Lea Tapang umiskor ng tig-10 puntos upang tulungan ang Letran na walisin ang University of San Carlos,25-22,25-14,25-12, sa Pool D.

Gia Maquilang bumakas ng nine points,Angelique Ledesma nagdagdag ng seven points.

Jearl Lapitan pinamunuan ang USC sa iniskor na seven points habang si Eunice Navarro nagdagdag ng four points.

NU, winner ng SSL Collegiate preseason Championship, makakaharap ang Xavier University-Northern Mindanao selection Biyernes, at umaasa na makakuha ng isa pang panalo sa Pool A. para makarating sa knockout quarterfinals sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Eurotel, Victory Liner at Mikasa.

“I’m happy with the performance of the team. The goal is to provide experience and exposure to other players, especially the rookies,”Wika ni NU coach Norman Miguel pagkatapos ng laban.



Dahil si Bella Belen at Arra Ella Panique ay nakatakdang sumama sa Alas Pilipinas sa Japan para sa training camp, ang rookies ay kailangan mag step up.

“The players need to work on each other’s connection, aside from technical skills,” Sambit ni Miguel.

Outside hitters Shane Carmona at Erika Jin Deloria, nagtapos ng 10 at six points, ayon sa pagkakasunod para sa Enderun Colleges, na quarterfinalist nakaraan taon.

Zenneth Perolino nagdagdag ng three kills at one block, habang si Michaella Ma Ma may three points, at two blocks.