Advertisers

Advertisers

P2.4m shabu, nasabat sa Maynila

0 2

Advertisers

Nasabat ang nasa halos P2.4 milyong halaga ng shabu sa Binondo, Maynila nitong Martes ng madaling araw.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), naaresto ang dalawang lalaki na kinilalang sina alyas “Omar” at alyas “Allan.”

“They were apprehended through a buy-bust operation ng SDEU ng Binondo Police Station. Ang ebidensya po na nakuha sa kanila ay 350 grams of suspected shabu,” sabi ni MPD Director PBGen. Arnold Thomas Ibay.



Narekober din mula sa kanila ang isang eco bag kung saan nilagay ang ilegal na droga at pick-up truck.

Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Jocelyn Domenden)