Advertisers

Advertisers

Patrol car tinangay ng ‘buang’, nang-araro: 3 patay, 6 sugatan

0 19

Advertisers

TATLO ang nasawi at anim ang sugatan nang agawin ng isang lalaki na may diperensya umano sa pag-iisip ang patrol car ng pulisya sa Morong, Rizal, Huwebes ng umaga.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlang ng mga nasawi.

Nilalapatan naman ng lunas sa hospital ang mga sugutan na sina John Alex Magno, Jonathan Natividad, at Edgardo Romero.

Samantala, nasa kustodiya ng pulisya ang salarin na si Jomar Cargdag, 52 anyos, driver, ng Morong.

Ayon kay Major Rosalin Panlaqui, hepe ng Morong Police Staton, 10:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa Tomas St., Brgy. San Juan, Morong.

Nabatid na inaresto ng mga rumespondeng pulis si Jomar nang magwala sa kanilang lugar.

Nang dadalhin ito ng pulisya sa ospital upang ipagamot sa tinamong mga sugat, bigla itong tumakbo patungo sa isang police car, na noo’y inaayos nina SSG Jerome Feliciano at Patrolman Malinis sa tapat ng police station, at pinatakbo ito.

Sa pagtakas ng salarin, nabundol niya ang mga naglalakad na nagresulta ng pagkasawi ng mga biktima, hanggang sa bumanga ito sa poste ng kuryente.

Sa imbestigasyon, lumalabas na posible may diperensya sa pag-iisip si Jomar. (Mark Obleada/ Edwin Moreno)