Advertisers

Advertisers

Pinoy fishing boat, binangga: 1 missing

0 10

Advertisers

Inatasan ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan, 

nag BRP Sindangan (MRRV-4407) na magsagawa ng  search and rescue (SAR) operation para sa nawawalang Pilipinong mangingisda sa karagatan ng southeast ng Sampaloc, Point,Subic, Zambales.



Sinabi ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, na ang  Filipino fishing boat, Fbca John Robert, binangga ng hindi patuloy na sasakyang-dagat dahilan para lumubog ito.

 

“47-year-old Robert Mondoñedo survived the incident but his brother, Jose Mondoñedo, remains missing,” sabi ni CG Rear Admiral Balilo . 

Noong Hulyo 1,  2024, ang dalawang mangingisda ay umalis sa Barangay Wawandaue, Subic, patungo sa kanilang payao sa kalapit na karagatan sa Sampaloc Point para sa isang aktibidad sa pangingisda. 

Isinalaysay ni Robert Mondoñedo na ang hindi pa nakikilalang barko ay tumama sa kanilang bangkang pangisda bandang alas-3 ng hapon noong Hulyo 3, 2024.



Tatlong araw siyang nakahawak sa kanilang payao hanggang sa dumaan ang Fbca Irish Mae sa katubigan ng paligid at nailigtas siya bandang noong Hulyo 6 ng umaga.

Dumating ang Fbca Irish Mae sa Barangay Wawandaue bandang alas 6:30 ng hapon.

Ibinahagi ni Balilo na  ang Coast Guard Station (CGS) Zambales ay agad na nagbigay ng abiso sa mga  mandaragat,  gayundin ang pakikipag-ugnayan sa mga karatig barangay at lokal na mangingisda para sa posibleng makita ang nawawalang mangingisda.(Jocelyn Domenden)