Advertisers

Advertisers

Tatlo pang dating cabinet member, sabit sa iba’t ibang iregularidad

0 12

Advertisers

TATLO pang miyembro ng gabinete ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y sabit sa iba’t ibang anomalya.

Ibinunyag ni Pagcor Chair Alejandro Tengco sa Senate hearing, kamakailan na si dating Presidential Spokesman Sec. Harry Roque ay lumapit sa kanya para ipakiusap ang isang POGO site para maayos ang problema nito.

Ayon kay Tengco, noong July 2023, nagtungo umano si Sec. Roque sa Pagcor para ayusin ang atraso ng Lucky South 999.



Si ating Economic Adviser Michael Yang naman ay ipinaaaresto na ng kongreso matapos dedmahin ang hearing ng kongreso sa dangerous drugs na sinasabing involvement nito sa drug bust sa Pampanga noong nakaraang taon.

Ayon kay House Chairman on Dangerous Drugs Rep. Robert Barbers, dakpin at dalhin sa kongreso si Yang para sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Si dating DBM USec. Lloyd Christopher Lao naman ay sinampahan na ng kasong graft ng Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa Pharmaly overprice na medical supply noong kasagsagan ng COVID pandemic.

Wala pang reaksyon ang tatlong mga dating opisyal hinggil sa mga paratang laban sa kanila.

Maging ang dating Pangulong Digong ay sinasabing nakatakdang umanong dakpin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa libu-libo ang nasawi sa drug war nito.