Advertisers
UMISKOR si Anthony Edwards ng 13 points, Stephen Curry nagdagdag ng 12 at Anthony Davis pomuste ng double-double upang tulungan ang Team USA na ipinta ang 86-72 wagi laban sa Canada Miyerkules ng gabi sa men’s basketball exhibition sa Las Vegas.
Jrue Holiday nagtala ng 11 points,Bam Adebayo somunggab ng seven rebounds at Tyrese Haliburton bumakas ng six assists para tulungan ang Team USA na umangat sa 35-3 sa pre-Olympic exhibition games all-time.
Ang size advantage ang nagpahintulot sa Team USA na dumistansya laban sa kanilang kapitbahay—at karibal— sa North.
Miyerkules ang unang tagpo sa pagitan ng bansa simula ibagsak ng Canada ang U.S 127-118 sa overtime Setyembre 10 sa bronze medal game sa FIBA World Cup sa Manila.
Davis tumipa ng 10 points,11 rebounds at nine blocks para sa Team USA. Nalimitahan ng Team USA ang Canada sa 33.8 percent shooting habang tumira ng 50.7 percent mula sa floor.
RJ Barrett (12 points), Dillon Brooks (10), at Shai Gilgeous-Alexander (10) nagtapos sa double figures para sa Canada.
Edwards at Tatum may tig-8 points sa break para tapatan si Brooks, Habang si Davis humatak ng seven rebounds.
Apat na exhibition pa ang nanateli sa Team USA bago maglaro sa Olympic opener sa Hulyo 28 kontra Serbia sa Lille,France. Ang Team USA ay nakatakdang harapin ang Team Australia sa Lunes sa Abu Dhabi, UAE.