Advertisers

Advertisers

P1m ismagel yosi, nasabat sa Lanao del Norte

0 5

Advertisers

Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P1 milyong halaga ng ismagel na sigarilyo sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.

Sa routine mobile patrol ng pulisya, napansin ng mga ito ang mga kahon na ikinakarga sa loob ng isang nakaparadang mini-truck sa Barangay Koreo.

Nang beripikahin ay doon nakumpirmang mga ismagel na sigarilyo ang laman nito.
Kabilang sa mga nasamsam ay ang 66 kahon ng sigarilyo na may dalawang brand, 50 reams ng iba pang brand ng sigarilyo at 303 packs ng mga damaged cigarette.



Nasa kustodiya ng pulisya ang 30-anyos na lalaking suspek kasama ang mga nasamsam na kontrabando.
Inaresto rin ang drayber ng truck dahil sa paglabag sa RA 8424 o Tax Reform Act.(Jocelyn Domenden)