Advertisers

Advertisers

4 sugatan sa banggaan ng trak at toktok sa Tondo

0 1

Advertisers

Sugatan ang apat na katao nang mabangga ng trak ang isang toktok sa Tondo, Maynila noong Sabado ng gabi.

Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), nangyari ang insidente sa kanto ng Mel Lopez Blvd. sa kanto ng Moriones St. 9:25 ng gabi.

Nabatid na nasa northbound ang Sinotruk na may plate number na NIN6750 at minamaneho ni Crisale Mista Montesser, 55-anyos at taga-Palacio S. sa bayan ng Balian Pangil sa Laguna habang westbound naman ang electric bike na toktok na minamaneho ni Rudolf Aba , 35-anyos at residente sa Mercado St., Dagupan, Tondo, Maynila nang mahagip ng trak ang kaliwang bahagi ng toktok.



Sa lakas ng impact ng pagkakabangga, nasugatan ang driver at tatlong pasahero ng toktok.

Dinala sa Ospital ng Tondo at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang mga biktima pero pinayagan namang makauwi ang driver habang inoobserbahan pa ang tatlo niyang pasahero.

Iniimbestigahan naman ang driver ng truck sa MDTEU.(Jocelyn Domenden)