Advertisers
Ni Jimi Escala
SIGURADO na raw ang pagbabalik ni Isko “Yorme” Moreno sa pulitika at sa siyudad ng Maynila.
Tatakbong mayor muli ng Maynila ang dating alkalde na tumalo sa nakaupong meyor noon na si Erap Estrada.
Supposed to be senado ang puntirya ng dating ama ng lungsod ng Maynila pero biglang nag decide si Yorme na babalikan ang pamumuno sa Manila City Hall.
Umarangkada rin naman sa survey ng mga senatoriables si Yorme pero ayon sa nakuha naming info ay mukhang hindi pa raw nagkakasundo ang partido ni Isko kung kanino sila makikkpag-alyansa.
Isang cabinet posisyon ang inooper sa aktor/ politician ng pamunuan ni PBBM pero tinanggihan yun ni Yorme, huh! Ngayong nagdesisyon na si Isko na tumakbong meyor ay marami ang nagtatanung kung itutuloy ng kasalukuyang nakaupong alkalde na si Mayor Honey ang pagtakbo sa kongreso kung sakaling babalikan ni Yorme ang dating posisyon, huh! Pero ang latest, hindi raw bibitiw
si Mayora Honey sa pagiging mayor ng Maynila kesehodang si Isko ang makakalaban.
Kaya ngayon nagkakagulo ang mga pulitiko sa Maynila. May aanib pa rin kay Lacuna pero mas higit at karamihan sa mga ito ay nasa tiket ni Isko Moreno, huh!
So, Isko Moreno vs. Honey Lacuna for Manila City Mayor, huh!
***
TUMAGAL ng tatlong taon ang relasyon ng dating magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque.
Maraming natutunan daw si Bea sa pakikipagrelasyon niyang yun na nauwi lang sa wala.
”Well, I’ve always known I’m resilient but I didn’t know I’m less resilient. That made me stronger. Natutunan kong i-cancel talaga ‘yung mga noise na hindi kailangan sa buhay ko.
“And I accept or embrace those opinions that adds values to my life. Maraming salamat, I’m grateful to all the beautiful memories and even the not so beautiful memories because it made me stronger. It made me who I am right now,” sey pa ni Bea sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa palabas nitong “Fast Talk with Boy Abunda. “
Dagdag pa rin ng magaling na aktres na medyo ini-enjoy daw niya ngayon ang sarili sa nga dating hindi raw niya ngawa.
“I’m just having fun, meron na rin akong time makipag-hangout sa mga kaibigan ko and do the things that made me happy. I’m just enjoying my life. I guess I’m embracing the uncertainty.
“Kasi na-realize ko, minsan marami tayong plano sa buhay natin but God’s plans are always better. So, I’m just here to embrace the uncertainty. Kung ano ‘yung nakalaan para sa akin,” seryosong banggit pa ng Kapuso aktres. Ganun na lang ang pasasalamat ni Bea sa mga taong hindi siya iniwan nung mga panahong yun. Kumbaga, andun daw yung suporta ng kanyang mga mahal sa buhay sa gitna ng mga pinagdaanan.
“Malaking bagay ‘yung support system, my family and friends. Especially the recent one, I really made sure that mas introspective ‘yung process. I really made sure that I reflect on the things na mga pagkakamali ko o ‘yung mga bagay na nakasakit ng loob ko. That also made my relationship with God stronger. It’s all about trust and acceptance.
“First you have to accept the current situation, the circumstances that you are in. And trust that there will be better days and I feel like I have better days now. And I feel like there will be more better days in the future,” banggit pa ni Bea.