Advertisers

Advertisers

Illegal POGO sa Mindoro sinalakay ng NBI

0 11

Advertisers




Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 4B ang isang illegal POGO hub sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.

Sa direktiba ni NBI Director Jaime Santiago, pinaberipika ang POGO hub at sa bisa search warrant, napasok ang isang compound na kinaroroonan ng may 40 Chinese, Vietnamese at Taiwanese nationals.

Ayon kay NBI -Mimaropa Regional Director Gelacio Bongngat nadatnan nila doon ang sari-saring laptops, gambling materials at Sim cards.

Sinabi ni Bongngat na wala umanong permit sa Paggor ng hinihintay illegal na POGO at hinintay na lamang na lamang ng NBI na lumabas ang cyber warrant ng korte para mabususi ang mga gamit illegal.na gamit.

Nasa kamay na ng NBI ang chinese na nagmamay-ari ng illegal na negosyo at sinampahan muna ng kasong illegal gambling.

Habang patuloy ang pag-iimbestiga sa apat na gusali sa loob ng tourist spot sa Isla ng Mindoro. (Jocelyn Domenden)