Advertisers
Arestado ang mag-asawa na parehong mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) o Communist Terrorist Group sa Eastern Visayas sa isinagawang operasyon ng Philippine Army sa Baguio City.
Kinilala ang mga suspek na sina Terrence Eder, alyas Anjo at Islaom, dating secretary general ng Sub-Regional Committee Emporium of the Eastern Visayas Regional Party Committee; at asawa nitong si Annalyn Eder, alyas Anya at Ninya, 42, dating educational at finance officer ng samahan, na nakatira sa Barangay 88 San Jose, Tacloban City subali’t nagtago ang mga ito dahil sa warrant of arrest na inilibas ng korte sa kasong paglabag sa RA 11479 O Anti- Terrorism Act, at Arson.
Nadakip ang mga suspek noong Linggo sa Barangay Guisad sa Baguio City matapos na makatanggap ng tip ang tropa ng pamahalaan hinggil sa kanilang pinagtataguan.
Pinuri naman ni Lt. General Camilo Ligayo, commander ng 8th Infantry Division commander ng Philippine Army ang kanyang mga tauhan sa pagdakip sa mag-asawang Eder at patunay na seryoso ang pamahalaan sa kanilang pangako na panagutin ang mga nakagawa ng seryosong krimen sa bansa lalo na ang paglabag sa anti-terrorism law.