Advertisers

Advertisers

P13.6m shabu nasamsam sa 2 tulak sa Maynila

0 26

Advertisers




Arestado ang dalawang drug personalities nang makuhanan ng ng mahigit sa 2 kilos ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Maynila nitong  Martes ng madaling araw.

Nakilala ang nadakip na sina Anthony Reyes y Trinidad a.k.a. Saudi, 42-anyos,  ng #1749 Int. B C.M. Recto Ave. Brgy. 395, Sampaloc Manila; at Lovely Joy Gonzales y Cordero

a.k.a. Lovely, 38-anyos, ng  #830 Inocentes St., Brgy. Pag-asa, Mandaluyong City.

Ayon kay MGen Melencio Nartatez, Chief ng National Capital Regional Police Office, 2:35 ng madaling araw ng magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng Barbosa Police Station Drug Enforcement Team sa isang hotel sa P. Camp St, Brgy 462, Sampaloc, Manila.

Nasamsam ng mga operatiba sa mga suspek ang 2 kilos  ng shabu at 5 pcs ng transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na 2 grams na nagkakahalaga ng P13,613,600. 

Nasa kustodiya ng Barbosa Police Station ang mga suspek habang sumasailalim sa imbestigasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Danrerous Drug Act.(Mark Obleada)