Advertisers

Advertisers

Transwoman minartilyo ng nobyo, tigok!

0 29

Advertisers

Nasawi ang 30-anyos na transwoman nang martilyuhin sa ulo ng nobyo noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Kent Lubaton, residente ng Bago Aplaya, Davao City.



Itinuturong salarin sa krimen ang  nobyo ng biktima.

Ayon sa ulat, natagpuang patay sa loob ng kaniyang kuwarto ang biktima.

Ayon sa saksi na kapitbahay ng biktima, nag-iinuman si Lubaton at nobyo nito noong Sabado ng gabi. 

Kinabukasan napansin nito na umalis ang nobyo ng biktima ng bahay. Wala raw itong narinig na alitan sa pagitan ng dalawa.

Batay sa imbestigasyon ng Davao City police, minartilyo sa ulo ang biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito. 



Anila pa, selos umano ang motibo sa krimen.

Samantala, nahuli naman ang salarin sa Malalag, Davao del Sur at mahaharap sa kasong pagpatay.