Advertisers

Advertisers

3-araw na gun ban ipatutupad sa SONA ni Pres. Marcos

0 5

Advertisers

IN-EXTEND ng Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) sa tatlong araw ang ipatutupad na gun ban kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pahayag ni CSG Spokesperson, PLt. Col. Eudisan Gultiano, suspendido ang permit to carry firearms outside of residence (PTCFOR) mula alas-12 ng hatinggabi ng Sabado, July 20 hanggang alas-11:59 ng gabi ng July 22 o ang mismong araw ng SONA.

Paliwanag ng grupo na ito ay bilang precautionary measure upang matiyak ang kaligtasan ng publiko na dadalo rin sa naturang national event.



Paglilinaw pa ni Gultiano, epektibo lamang ang nasabing gun ban sa National Capital Region (NCR) taliwas sa mga naunang anunsyo na nationwide ang pagpapatupad nito.

Paalala ng PNP, tanging ang mga naka-duty na uniformed personnel lamang ang papayagang magdala ng baril sa mga nabanggit na araw.

Una nang inanunsyo ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) Secretariat ang implementasyon ng gun ban sa buong bansa ay epektibo lamang sa Lunes o mismong araw ng SONA.

Kinumpirma rin ng Philippine National Police na aabot sa 22k na kapulisan ang kanilang ide-deploy para mag-secure sa araw ng SONA.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">