Advertisers

Advertisers

Alex Eala umangat ang WTA ranking

0 7

Advertisers

LABIS ang kasiyahan ni Pinay tennis star Alex Eala dahil sa pag-angat ng kaniyang ranking sa Women’s Tennis Association (WTA).

Sa inilabas na ranking kasi ng WTA ay nasa pang-155 na ito na nahigitan niya ang dating 162 noong nagdaang dalawang linggo.

Kasalulukan ay nakapasok na si Eala sa quarterfinals ng W100 Vitoria-Gasteiz doubles kasama ang French tennis partner na si Estelle Cascino matapos talunin ang magkapatid na sina Carolina at Jimena Gomez.



Magugunitang kahit na bigong makapasok sa Wimbledon ang 19-anyos na si Eala ay hindi ito napanghihinaan ng loob na sumali sa iba’t-ibang international events.