Advertisers
Nasawi ang isang dalagita nang magdugo ang maselang pribadong bahagi ng katawan nito nang makipagkita sa boyfriend sa Purok Narra, Barangay Malasila.
Kinilala ang biktima na si alias Kris, taga Garcica sa bayan ng Makilala sa probinsya ng Cotabato.
Isinugod ang dalagita ng kanyang kasintahang si Jomar sa pagamutan at doon na ito namatay dahil diumano sa massive bleeding.
Agad namang naikustodiya ng Makilala Municipal Police Station si Jomar.
Sa pahayag nitong Miyerkules ni Police Corporal Jephony Bargamento, sinabi nito na wala naman ibang injury sa katawan ang biktima maliban sa posibleng sugat diumano sa kanyang ari.
Inaalam pa ng mga imbestigador kung may dapat bang pananagutan sa insidente si Jomar.