Advertisers

Advertisers

BEYBI IBINEBENTA NG P25K NG MIDWIFE SA ONLINE

0 7

Advertisers

DINAKIP ang isang nagpakilalang midwife sa pagbebenta ng anim na araw pa lamang na sanggol sa halagang P25,000 sa social media.

Ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes, inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang babae sa isang entrapment operation sa Muntinlupa City nitong Hulyo 16.

Ikinasa ang naturang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), DOJ-Inter-Agency Council Against Trafficking, at Cyber-Tip Monitoring Center nang makatanggap ng impormasyon ang NBI-HTRAD mula sa Cyber-Tip Monitoring Center na nagbebenta ng sanggol ang isang babae sa social media.



Matapos ang intelligence gathering at verification, nakipag-ugnayan ang isang NBI undercover agent sa babae na nagpakilalang midwife. Napagkasunduan nilang magkita sa Muntinlupa at doon na siya dinakip.

Iti-turn over na ang sanggol sa DSWD.

Sinampahan na ng DOJ ng mga kaukulang kaso ang midwife.(Jocelyn Domenden)