Advertisers

Advertisers

HOLDAPER, TIMBOG SA MANHUNT NG PNP

0 15

Advertisers

Arestado sa isinagawang man hunt operation ng Police Cummunjry Precint 5 ng City of San Jose del Monte pulis ang isang holdaper sa Brgy. Kaypian sa nabangit na lungsod.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Dir.Col.Relly Arnedo, 8:00 ng gabi, Hulyo 17 2024 ng mangyari ang holdap sa isang commercial Building sa naturang barangay.



Kinilala ang nadakip na suspek na si Jose Amurao Ssaldivar Jr., 37-anyos ng Brgy. 188 Tala Caloocan City; habang ang biktima na si Marco Guillermo Fernando, 28-anyos, negosyante, at residente sa nabangit na lugar.

Nabatid na kasalukuyang nasa coffee shop ang biktima, ng dumating ang suspek na armado ng cal.38 na baril na nagdeklara ng hold-up.

Mabilis na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo, na agad ring nasukol ng mga pulis,makaraang makahingi ng tulong ang biktima.

Nabawi mula sa suspek ang apat na cellphone, at baril na ginamit sa krimen.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">