Advertisers

Advertisers

P2.2m alahas at pera nilimas ng ‘akyat-bahay’

0 13

Advertisers

TINATAYANG aabot sa halagang P2.2 milyon ang mga natangay na mga alahas at pera sa isang bahay ng mga umatakeng hindi pa kilalang suspek na magnanakaw sakay ng kulay puting Ford Everest na may plakang PBQ 382 na nangyari sa Colbella Subdivision, Brgy. Darasa sa lungsod ng Tanauan, Batangas nitong Miyerkules, July 18, 2024.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Tanauan City Police Station nadiskubre ng caretaker ng bahay na si Jayson Catapang, na puwersahang sinira ang pintuan sa harapan ng bahay na kanyang binabantayan kaya’t agad niya itong ini-report sa may-ari at biktima na si Ginoong Valeraiano Lugo, ang nangyari at agad itinawag sa mga otoridad ng Tanauan City PNP ang insidente.

Nadiskubreng nagkalat ang mga gamit sa kuwarto at nawawala ang mga pera at alahas na nagkakahalaga ng P2,200.000.00.



Nakita sa mga kuha ng CCTV na malapit sa lugar na bago ang nangyaring pagnanakaw sa bahay ng biktima na may nakaparadang sasakyan na posibleng sinakyan ng mga hindi pa kilalang mga suspek na magnanakaw.

Inaalam na ngayon kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyang Ford Everest at nagkasa na rin ng follow up at dragnet operation ang mga otoridad sa mga posibleng suspek sa nangyaring insidente ng pagnanakaw.(Koi Laura)